Sunday, July 10, 2005

Hasne Live!

Habang tumatagal ay lalong nagiging exciting ang telefantasyang Encantadia, kaya hindi kataka-takang namamayagpag ito ngayon sa ratings at parami nang parami ang naaadik dito. In fairness ay magagaling ang writers ng programa at may effort silang mag-isip ng interesting twists sa istorya. Kaya lang ay may mga nagtatanong sa amin kung bakit hindi magawang tumakas ni Amihan (Iza Calzado) mula sa pagkakabihag sa kanya ni Pirena (Sunshine Dizon) gayong may kakayahan siyang maglaho at lumitaw muli kung gugustuhin niya.
Maging kami ay medyo nagtataka rin sa bagay na ‘yon dahil aware kami sa ‘teleport’ powers ng mga diwata, kaya kinati-kati kaming itanong ‘yon sa isang taga-production ng Encantadia na kakilala namin.

Ang sagot nito sa amin, totoong common powers ng mga Sang’gre (tawag sa mga dugong-bughaw ng Encantadia) ang makapag-teleport, kaya lang ay masyado umanong mahina si Amihan dahil sa pagtotortyur ni Pirena kaya wala itong lakas na gawin ‘yon. Isa pa ay higit daw na malakas ang kapangyarihan ng setro ng kanilang inang reyna na ginamit ni Pirena upang huwag makatakas si Amihan mula sa pagkakatali nito. [full story]

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hindi ba kaya sila di makateleport o makatakas e dahil nakatali sila?

6:11 PM  
Anonymous Anonymous said...

diba kaya sila di makatakas eh dahil kapag nakatali ang diwata, hindi siya maaring makatakas...?

6:12 PM  

Post a Comment

<< Home